MAGANDANG REVENUE COLLECTIONS NG BIR, BOC IBINIDA NG DOF

IBINIDA ng Department of Finance (DOF) ang revenue collections ng dalawang ahensiyang nasa ilalim nito.

Kabilang sa mga ito ay ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at ang Bureau of Customs (BOC), pawang nasa ilalim ng DOF.

Sa apat na buwang reve­nue collections ng taon ng BIR at BOC, mula sa P1.26 trilyon ay tumaas ito ng P127.1 bilyon o 11.22% kung ikukumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.
“Our robust fiscal performance reflects the efforts of the Bureau of Internal Revenue and the Bureau of Customs in enhancing tax administration and enforcing tax compliance,” ani Finance Secretary Benjamin E. Diokno.

Ang pinakabagong cash ope­rations report ng Bureau of the Treasury, lumabas na ang actual government revenue collections nitong nakaraang Abril 2023 ay naitala sa P 440.7 bilyon, na tumaas ng P92.7 bilyon o 26.66% sa year-over-year basis.

Ang nakolektang buwis ay tumaas sa P1.1 trilyon o 89.18% ng kabuuang revenue collections, habang ang non-tax sources ay nakapag-ambag ng P136.3 bilyon o 10.82%.

Para sa unang apat na buwan ng taon, ang BIR at ang BOC ay pawang nadaig nila ang kani-kanilang collections sa parehong panahon noong 2022.

Ang kabuuang koleksyon ng BIR ay makabuluhang napataas sa P841.2 bilyon, na tumaas ng 13.31% o P98.8 bilyon, kung ikukumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Samantala, ang BOC ay nakapagkolekta ng P281.4 bilyon, 10.68% o P27.2 bilyon na mas mataas sa kanilang January to April 2022 collections.
(JOEL O. AMONGO)

77

Related posts

Leave a Comment