MAKINARYANG PANGGAWA NG YOSI, WINASAK

BUKOD sa mga smuggling ng sigarilyo, maging ang makinaryang gamit sa paggawa ng yosi ipi­nupuslit na rin bagay na hindi pinalusot ng Bureau of Customs (BOC) nang wasakin nang tuluyan ang makinang gamit sa cigarette manufacturing na iligal na ipinasok sa bansa kamakailanSa harap ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang tanggapan ng kawanihan, winasak ng BOC-Port of Aparri ang pagdurog ng mga makinang gamit sa paggawa at pamemeke ng sigarilyo.

Kabilang sa mga dumalo sa nasabing aktibidad sina BOC-Port of Aparri District Collector Arienito Claveria at ang mga kasapi ng Condemnation Committee na sina Special Lieutenant Robert Espinosa, Intelligence Officer II Jasper Paul Cleto, at Special Agent I Ricardo Basilio, Jr.

Bukod sa makinarya, wasak din ang walong rolyo na foil wrap (palara), isang rolyo ng tipping paper, 15 rol-­

yo ng putting pale, 400 hundred rolyo ng plastic wrap, 10 rolyo ng Philip Morris Philippines Manufacturing Inc. tape, at pitong rolyo ng Mighty tape.

Sa tala ng BOC-Aparri, nasamsam sa bisa ng isang seizure order ang mga nasabing epektos nito lamang nakaraang buwan ng Setyembre.

Nahaharap naman sa kasong paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at Amended Rules and Regulations Governing the Exportation and Importation of Leaf Tobacco and

Tobacco Products Series of 2005 ang mga kumpanya, indibidwal at customs brokers na nakatala sa mga dokumentong hawag ng kawanihan.

47

Related posts

Leave a Comment