MSGC MEMBERS NG BOC NANUMPA

boc

UPANG mas lalong ma­ging matatag Performance Governance System ng Bureau of Customs, nagkaroon ng oath taking ang mga miyembro ng Multi-Sectoral Governing Council ng nasabing tanggapan noong Disyembre 2019.

Mismong si BoC Commissioner Rey Leonardo Guerrero, tumatayong chairman, ang nag-officiate ng oath taking ceremonies sa mga miyembro ng MSGC na pinangunahan ni co-chairman Dr. Jesus Estanislao.

Ang MSGC ay binubuo ng sectoral leaders na tumatayong kinatawan para sa isang external advisory group na magbibigay ng expert advise sa BOC upang matagumpay na maisakatuparan ang strategy road map para sa full automation sa proseso ng customs nang sa gayun ay makasabay sa global standards.

Kasabay nang oath ta­king, nagpasalamat si Guerrero sa council  at tinukoy ang kahalagahang papel ng MSGC para sa hinaharap ng customs administration upang magtuloy-tuloy ang paglago ng ekonomiya ng bansa. (Joel Amongo)

131

Related posts

Leave a Comment