Mula Enero hanggang Disyembre 2022 P35.5B AGRI-PRODUCTS, DROGA TIMBOG SA BOC

TUMATAGINTING na P35.5-bilyong halaga ng mga puslit na produktong agrikultura at iba’t ibang klase ng ipinagbabawal na gamot ang nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) mula Enero hanggang sa huling buwan ng 2022, ayon mismo kay Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz sa kanyang ulat sa Palasyo.

Sa datos ng BOC, tinatayang aabot sa P23.5 bilyon ang halaga ng mga kum­piskadong agri-products sa mas pinaigting na operasyon laban sa agri-smuggling.

Hindi rin nakalusot sa mahigpit na pagbabantay sa mga paliparan at pantalan ang P11.953 bilyong halaga ng iba’t ibang klase ng droga ang nakumpiska sa 107 joint anti-illegal drugs operation kasama ang mga katuwang na ahensya. Arestado rin ang 33 kataong sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 965 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Pagtitiyak ni Ruiz, mas agresibong kampanya kontra smuggling ng droga at mga produktong agrikultura ang inilatag sa susunod na 12 buwan.

25

Related posts

Leave a Comment