Mula Enero hanggang Hunyo 2022 P0.387-B GANANSYA SA POST-CLEARANCE

Ni JOEL O. AMONGO

SA gitna ng kakapusan sa pananalapi ng gobyerno, tumataginting na P837.9 milyon ang karagdagang nalikom ng Bureau of Customs (BOC) mula sa mahigpit na implementasyon ng post-clearance audit sa unang anim na buwan ng taong kasalukuyan.

Sa isang pahayag, sinabi ng BOC na ang nakolektang P837.9M ay bukod pa sa P76.290 bilyong koleksyon mula sa 17 district collection offices na nangangasiwa ng mga daungan ng kalakal sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sa naturang halaga, P683.9M ang mula sa 64 applications sa ilalim ng mekanismong “prior disclosure program”

mula Enero hanggang Hunyo, habang P154M naman ang nakalap sa 121 audit notice letters na ipinalabas ng ahensya sa unang bahagi ng taon.

Inaasahan din anila ang pagpasok ng P13.6 bilyon sa pagpapatupad ng mga demand letters kaugnay ng post-clearance audits na inisyu mula 2019 hanggang 2021.

“The bureau is expecting an additional collection in the total amount of P13.6 billion from the enforcement of 67 demand letters — arising from post-clearance audits conducted in 2019, 2020, and 2021 — which have become final and executory for the failure of the audited importers to contest the same,” saad sa kalatas ng ahensya.

Nagpamalas din ng sigasig ang kawanihan sa paglilinis ng tanggapan. Patunay nito ang 57 kasong kriminal at administratibong inihain sa Department of Justice (DOJ) laban sa mga importers, exporters at licensed customs brokers sa pagbubukas ng 2022 hanggang sa matapos ang termino ng retiradong Pangulong Rodrigo Duterte noong Hunyo 30.

Umabot na rin sa 11 kasong administratibo laban sa mga opisyal at kawani ng BOC ang sinampahan ng reklamo sa tanggapan Professional Regulations Commission (PRC).

“Data from BATAS (Bureau’s Action Team Against Smugglers) show that the [first-half] cases involved the unlawful importation and exportation of cigarettes valued at P250.6 million, agricultural products valued at P163.3 million, electronic devices valued at P137.9 million, general merchandise amounting to P77.3 million, motor vehicles valued at P49.4 million, used clothing valued at P23.1 million, and other commodities valued at P18.4 million.”

Sa unang kalahating taon, pumalo sa P396.8B ang nalikom ng ahensya – ‘di hamak na mas malaki kumpara sa pumasok na ganansya mula sa buwis at taripang kalakip ng mga pumapasok at lumalabas na kargamento sa unang anim na buwan ng nakalipas na taon kung saan nakapagtala ang BOC ng P327.8B.

Nakamit din ng kawanihan ang “record-breaking” collection noong buwan ng Hunyo 2022 kung saan sumipa naman sa P76.3B ang pumasok na pondo.

Paniwala ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, malaking bentahe sa isinusulong na pagbangon ng ekonomiyang inilugmok ng halos dalawang taong tigiloperasyon ng mga negosyo
sa gitna ng pandemya ang pagtaas ng antas ng mga pumapasok na kalakal.

Inatasan din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang BOC na magsampa ng higit pa sa P733B sa pagtatapos ng taon.

61

Related posts

Leave a Comment