Mula Enero hanggang Oktubre P0.5-B SMUGGLED YOSI, SILAT SA ZAMBOANGA

HUMIGIT kumulang kalahating bilyong pisong hala­ga ng mga smuggled na sigarilyo ang nasabat ng Bureau of Customs – Port of Zamboanga (BOC-POZ) sa Zamboanga Pe­ninsula at mga lalawigan ng Basilan, Sulu at Tawi Tawi sa nakalipas na 10 buwan.

Sa kalatas na BOC-POZ, tiniyak ni District Collector Sigmundfreud Barte, Jr., na mas paigtingin pa ng kanyang pinamumunuan tanggapan ang mas mahigpit na pagbabantay sa mga karagatan kung saan karaniwan idinadaan ang mga iligal na kontrabando.

Babala pa ni Bate, patuloy ang kanilang agresibong pagtugis sa mga cigarette smugglers na aniya’y unti-unting pumapatay sa kabuhayan ng mga magsasaka at maging ng local tobacco industry.

Sa datos ng nasabing opisyal, pinakamalaki ang natimbog na smuggled yosi ng BOC-POZ ngayong buwan ng Oktubre kung saan umabot sa P187.5 milyong halaga ng mga puslit na si­garilyo ang natimbog sa magkahiwalay na operasyon ng kanyang tanggapan kasama ang iba pang katuwang na ahensya ng pamahalaan. Pumapangalawa sa mga talaan ng kanilang malaking huli ang naitala noong buwan ng Hunyo kung saan bulilyaso sa pinagsanib na pwersa ng mga operatiba ang P45.2 milyong halaga ng mga smuggled yosi. Nasa ikatlong pwesto naman ang bunga ng sigasig kontra cigarette smugglers noong buwan ng Setyembre, kasunod ang mga nasabat n kontrabando noong mga buwan ng Hunyo, Mayo at Hulyo.

Bukod sa mga nasabay ng smuggled na siga­rilyo, nakalikom din umano ang naturang distrito ng P8.6 bilyon mula sa buwis at taripang kalakip ng mga pumasok at lumabas na kargamento.

(JOSE OPERARIO)

15

Related posts

Leave a Comment