NAGTANGKANG MANG-HACK SA WEBSITE NG BOC KINONDENA NI GUERRERO

Commissioner Rey Leonardo Guerrero-2

Kinondena ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang pagtangkang pag-hack ng hindi pa nakilalang indibidwal ng website ng ahensya.

Ayon kay Guerrero, ang nasabing insidente ay tinangka ng mga kriminal para perwisyuhin ang computerization program ng Customs na nakadisenyo para palakasin ang kampanya laban sa korapsyon.

May duda ang opsiyal na ang nasa likod ng tangkang pag-hack sa BOC website ay ang mga taong ayaw ng pagbabago sa ahensya.

Matatandaang kamakailan ay inilunsad ng BOC ang anim na information system project at ito ang inaasahan na magbibigay ng kasiguruhan ng maayos na proseso sa Aduana.

Tiniyak ng BOC sa publiko na ang computer system nila ay mananatiling maayos at ligtas na isang napakala­king tulong sa operasyon ng Customs.

Ang BOC website ay pinamumunuan ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Bukod dito, ay nakipag-ugnayan na rin ang BOC sa National Computer Emergency Response Team (CERT-PH) sa ilalim ng Cybersecurity Bureau ng DICT.

Ang mandato ng CERT-PH ay magbibigay ng pro-active government countermeasures upang maresolba ang lahat ng domestic at transnational incidents na makaaapekto sa Philippine cyberspace at sa anumang banta sa cybersecurity sa bansa. (Joel O. Amongo)

237

Related posts

Leave a Comment