Ngayong holiday season BOC MULING NAGBABALA SA PUBLIKO VS MANLOLOKO

MULING nagpalabas ng paalala sa publiko ang Bureau of Customs (BOC) laban sa mapagsamantalang mga indibidwal ngayong holiday season.

Ayon sa BOC, dapat maging maingat sa mga tawag, mensahe, o email na nagsasabing mayroon kayong package o parcel na nakabinbin sa BOC at kinakailangan ninyong magbayad thru personal bank account o money remittance upang ito ay mailabas.

Madalas ay nagpapanggap silang taga-BOC o fo­reigner.

Ang pagbabayad ng customs duties at taxes ay maaari lang gawin sa BOC cashier o sa pamamagitan ng Authorized Agent Banks (AAB).

Kung sakaling maging biktima kayo ng ganitong uri ng panloloko, mag-check muna sa website ng DTI kung ang nasabing courier o forwarder ay accredited.

Ayon pa sa ahensya, maaaring makipag-ugnayan sa BOC para tiyakin kung ang resibo, tracking number, at iba pang dokumento na natanggap ay totoo o pekeng impormasyon lamang.

132

Related posts

Leave a Comment