NIKE BILIB SA OPLAN TUGIS-PEKE NI RUBIO

KUNG magtutuloy-tuloy ang agresibong kampanya ng pamahalaan laban sa mga namimirata ng produktong gawa ng mga lehitimong kumpanya, hindi malayong mas marami pa ang piliing magnegosyo sa Pilipinas.

Ito ang buod ng naganap na pagpupulong sa pagitan ng Nike Asia Pacific at Customs Deputy Commissioner Juvymax Uy matapos ang tagumpay na pagsalakay ng Bureau of Customs sa mga bodega kung saan nakumpiska ng mga operatiba ang hindi bababa sa P11.5 bilyong halaga ng mga ‘counterfeit products – kabilang ang mga sportswear na tatak ‘Nike’.

Partikular na tinukoy ng mga bumisitang corporate executives ng Nike ang pagsalakay kamakailan ng BOC Intelligence Group sa isang malaking bodega sa Binondo, Maynila kung saan tumambad ang nasa P10-bilyong halaga ng iba’t ibang klase ng mga pekeng produkto.

Pebrero naman nang masilat ng BOC ang nasa P1.5 bilyong halaga ng counterfeit products sa operasyon sa Lungsod ng Pasay.

Ayon kay Uy, mas pag-iba­yuhin pa ng kawanihan ang pagtugis sa mga sumasabotahe sa mga lehitimong negosyante, sa kumpas ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio.

“These counterfeit products do not have the required documentation, and they endanger the safety of those who use them,” ani Rubio sa unang pahayag.

“As the BOC remains vigilant against these IPR-infringing goods, we also encourage the public against purchasing or supporting these goods,” dagdag pa ng BOC chief. (JOSE OPERARIO)

103

Related posts

Leave a Comment