P0.4-B SMUGGLED YOSI, WASAK SA ZAMBOANGA

HALOS pumalo sa P400-mil­yong halaga ng mga smuggled na sigarilyo ang tuluyang winasak ng Bureau of Customs (BOC) sa hangaring tiyaking ‘di na aabot pa sa merkado ang mga kumpiskadong kontrabando.

Sa kalatas ng kawanihan, nasa 11,219 master cases ang sabayang pinulbos ng BOC – Port of Zamboanga (BOC-Zamboanga) sa Pavillion, Dao sa Pagadian City at sa isang customs-rented warehouse sa Barangay Baliwasan, Zamboanga City.

Matapos wasakin, agad namang ibinaon ang pinulbos na kontrabando sa isang sanitary landfill na nakabase sa Barangay Salaan ng nasabing lungsod.

Kabilang sa mga tumayong saksi sa isinapublikong “condemnation” ng mga kontrabandong nasabat ng kawanihan sa magkakahiwalay na anti-smuggling operations sa Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi nitong nakaraang taon, ang mga kinatawan mula sa Commission on Audit (COA) lokal na pamahalaan, Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Marines, Philippine Navy, National Bureau of Investigation (NBI), Joint Task Force Zamboanga, Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Drug Enforcement Agency PDEA) at Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ayon kay BOC-Zamboanga District Collector Segundo Sigmundfreud Barte, Jr., umabot na rin sa kalahating bilyong piso ang kabuuang halaga ng mga smuggled na sigarilyong kanilang nabulilyaso sa nakalipas na taon.
(JO CALIM)

21

Related posts

Leave a Comment