P10M SMUGGLED YOSI, SILAT SA ZAMBOANGA

SA kabila pa ng paghihigpit ng Bureau of Customs (BOC) sa mga pantalan at paliparan, walang takot naman ang mga sindikato sa patuloy na tangkang pagpupuslit ng mga smuggled na sigarilyo sa gawing timog ng bansa.

Kamakailan lang, dalawang magkahiwalay na operasyon kontra cigarette smuggling ang ikinasa ng mga operatiba mula sa BOC-Zamboanga kung saan hagip 263 master cases – katumbas ng P9.9 milyong halaga ng iba’t ibang klase ng imported na sigarilyo

Unang nasilat ng pinagsanib na pwersa ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Enforcement and Security Service-Customs Police Division (ESS-CPD) at Philippine National Police (PNP) kontrabandong lulan ng isang trak sa Barangay Baliwasan sa lungsod ng Zamboanga.

Sa isinagawang imbentaryo, umabot sa 207 master cases (katumbas na P8.0 mil­yon) ang nasamsam sa natu­rang operasyon.

Nananatili sa kustodiya ng BOC-Zamboanga ang trak na ginamit sa pagbiyahe ng mga smuggled na sigarilyo habang inihahanda naman ang pagsasampa ng kasong paglabag Republic Act 10863 (Customs Modernization and Tariff Act) ang drayber, pahinante, ope­rator ng trak at ang itinuturong may-ari ng nasamsam na kontrabando.

Sa Zamboanga City pa rin, himas-rehas din ang 27-anyos na lalaki bunsod ng timbreng natanggap mula sa isang impormante.

Kinilala ang suspek na si Norben Sangam na dinakip habang nasa pag-iingat ng 55 master cases (katumbas ng P1.9 milyon) ng mga imported yosi sa Sitio Suterville, Barangay San Jose Gusu sa nabanggit na lungsod.

20

Related posts

Leave a Comment