P139-M SIBUYAS, BOTCHA BULILYASO SA MAYNILA

BINULAGA ng mga opera­tiba ng Bureau of Customs (BOC) ang sindikato sa likod ng malawakang agri-smuggling makaraang sabatin sa kabi-kabilang operasyon ang nasa P139-milyong halaga ng sibuyas at mga iladong karneng inangkat pa mula sa bansang China.

Sa kalatas ng ahensya, kumpiskado sa mga ope­ratiba mula sa hanay ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ang kargamentong duma­ting sa Manila International Container Port (MICP) mula China.

Batay sa mga dokumentong kalakip ng nasabing kargamento, isang hindi tinukoy na trading company na nakabase sa Alabang (Muntinlupa) ang may-ari ng kontrabandong naglalaman ng red and white onions, frozen ox tripe, frozen barbecue, and frozen crawfish.Bago pa man ang nasabing operasyon, hagip din sa magkakahiwalay na operasyon kontra agri-smulling ng kawanihan ang nasa P171-milyong halaga ng smuggled agricultural food products na laman ay 20 dambuhalang containers na nagmula rin sa naturang bansa.

29

Related posts

Leave a Comment