Aabot sa P15.5 milyong halaga ng misdeclared agricultural products na nasakay sa apat na magkakahiwalay na barko ang nasabat kamakailan sa Manila International Container Port (MICP).
Ang nasabing misdeclared shipments ay dumating sa MICP sa magkakahiwalay na petsa noong nakaraang buwan na inisyuhan ng alert orders matapos isagawa ang eksaminasyon ng BOC officers at natuklasang maling deklarasyon sa bigat at halaga ng shipments.
Sa x-ray at physical inspection,lumitaw na isa sa apat na shipments ang idineklarang 3,300 boxes fresh apples, ngunit nang tingnan ang containers ay nakitang pulang sibuyas ang laman nito.
Samantala, ang dalawang shipments ay idineklarang red beans, ngunit nang buksan ay nakitang 5,300 sako ng refined sugar.
Ang isa pang shipment na idineklarang 1,058 packages ng t-shirts ay nakita namang 200 saku-sako ng bigas, 1,300 packages ng ibang food products, 30 packages ng gamot (medicine) at 425 packages ng non-perishable items.
Lumitaw na ang nasabat na saku-sakong sibuyas ay tinatayang aabot ng P1.8 milyong sa market price, samantala ang saku-sakong refined sugar ay tinatayang nasa P9.6 milyong at ang saku-sakong bigas at iba pang merchandise ay nagkakahalaga naman ng P4.1 milyong.
Naun nang naghigpit ang BOC laban sa smuggling ng agricultural products para mapalakas ang revenue collection at protektahan na rin ang lokal na mga magsasaka sa bansa.
98