P150-M ASUKAL SILAT SA SUBIC

MALAMANG sa hindi, magi­ging bahagi ng mga murang paninda ng Kadiwa ng Pa­ngulo ang nasa 30,000 sako ng asukal na nasilat ng Bureau of Customs (BOC) sa Subic Bay Freeport Zone sa Olongapo City kamakailan.

Sa kalatas ng BOC-Port of Subic, aabot sa P150 milyon ang kabuuang halaga ng mga “refined white sugar’ na nadiskubre sa 58 dambuhalang containers na nakabarega sa naturang pasilidad.
Ayon kay BOC-Subic District Collector Maritess Martin, isang timbre mula sa Department of Agriculture (DA) ang nagtulak sa kawanihang pinamumunuan ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio para agad na maglabas ng Pre-Lodgement Control Order at Alert Order sa tinumbok na kargamento.

Kasama ang BOC chief, Agriculture Assistant Secretary James Layug at Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman Rolen Paulino, isinailalim sa masusing impeksyon at pagsusuri ang 58 containers.

Taliwas sa nakatalang kalakal sa mga kalakip na dokumento, santambak na asukal ang tumambad na laman ng mga kargamento

Dito na naglabas ng warrant of seizure and detention (WSD) ang kawanihan, kasabay ng pagtitiyak na sasampahan ng patong-patong na kaso sa piskalya ang kumpanya sa likod ng mga nasabat sa kargamento.

Kabilang sa nakatakdang isampang kaso ang paglabag sa mga probisyon sa ilalim ng Republic Act 10863 (Customs Modernization and Tariff Act) at Sugar Regulatory Authority – BOC Joint Memorandum Order No. 04-2002.

Samantala, hagip din ang nasa P40-milyong halaga ng mga iladong karne (bocha) at pusit na ikinubli naman sa dalawang containers

“BOC continues to maximize its intelligence resources and intensify enforcement measures to thwart all attempts of smuggling, especially those involving agricultural products that negatively impact our local farmers and businesses,” saad sa isang pahayag ng BOC chief.

“It has always been a prio­rity of the BOC to protect local consumers against the health hazards posed by these illegally imported goods,” dagdag pa niya.

36

Related posts

Leave a Comment