P19.22-B KONTRABANDO TIMBOG MULA ENERO HANGGANG MARSO

Ni JO CALIM

HIGIT pa sa karaniwang sigasig ang ipinamalas ng Bureau of Customs (BOC) sa kampanya ng gobyerno laban sa malawakang illegal smuggling sa bansa.

Katunayan, pumalo sa P19.22 bilyon ang kabuuang halaga ng mga kontrabandong sinamsam ng kawanihan mula buwan ng Enero hanggang Marso ng kasalukuyang taon.

Sa ulat ng BOC kay Pa­ngulong Ferdinand Marcos, Jr., ibinida ng ahensya ang kabi-kabilang operasyon kontra smuggling at mga kasong isinampa sa husgado.

Base sa datos ng kawanihan, lumalabas na ang kabuuang halaga ng mga nakumpiskang kargamento ang pinakamalaki sa kasaysayan ng kawanihan.

“This is the biggest haul in terms of value that the BOC has seized in recent history,” ayon kay BOC spokesperson Vincent Philip Maronilla.

Pinakamarami sa hanay ng mga nakumpiskang kontrabando sa unang tatlong buwan ng 2023 ang droga, sigarilyo, mga piniratang signature items at mga produktong agrikultura.

“Right now, what we are confiscating are those pro­fitable goods such as cigarettes, agriculture products and intellectual property rights products that violate existing brands.” “These significantly affect the economy as legitimate brands invest their capital in the country to do business and provide jobs,” ayon pa kay Maronilla kasabay ng pahayag hinggil sa masamang epekto sa ekonomiya ng PIlipinas kung magpapatuloy ang pagpasok ng mga aniya’y counterfeit goods sa bansa. “This is why the BOC will continue to strengthen our fight against smuggling in all forms.”

Kamakailan lang, lu­magda sa kasunduan ang BOC kasama ang iba pang national law enforcement agencies para sa sabayang pakikidigma sa malawakang operasyon ng mga smuggler.

117

Related posts

Leave a Comment