Aabot ng P2 bilyon counterfeit goods ang nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs-Customs Intelligence and Investigation Service (BOC-CIIS), BOC-Intelligence Property Rights Division (IPRD) at Armed Forces of the Philippines (AFP) Joint Task Force NCR-CL sa isinagawang pagsalakay sa iba’t ibang storage units sa Binondo, Maynila noong Hulyo 16, 2019.
Isinagawa ang pagsalakay sa naturang lugar sa bisa na rin ng Letter of Authority (LOA) na nilagdaan ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero.
Kabilang sa mga nasabat ay ang mga pekeng brand ng Nike, Emporio Armani, Hello Kitty, Swissgear, Iron Man, Louis Vuitton, Anello, Kylie makeup, Active White, Clinique, MAC makeup, Dior, Champion, Fila, Adidas, Supreme, Kate Spade, Long Champ, Air Jordan, Kojic soap set, Victoria Secret, Glutamax soap, Titan gel, Aveeno, Lacoste, Kipling, Columbia, HP, Coach, YSL, Fendi, Hermes, Socks Iconic, Giordano, Abercrombie & Fitch, Polo, Michael Kors, Marc Jacobs, Charles & Keith, G-Shock, Johnsons & Johnsons, Samsonite, Samsung, Casio, Rolex, Guess, Alba, Edifice, Batman, Levi’s, Herschel, Ben10, Bulgari, Hugo, Dolce & Gabbana, Cars, Sofia the First, Usi, Mickey Mouse, NBA, Chanel, Coach, Gucci, The North Face, SpongeBob, Pikachu, Pan Patrol, Super Mario, TRESemme, Dove, Vaseline, Sunsilk, Badboy, Cetaphil, Prulife Atlas, Rexona, Vans, Converse, Golden State, Prada, Fred Perry, Lakers, Dora, Pokemon, Ponds, Revlon, Seven Friday, Oakley, Balenciaga.
Ang mga nasabat na items ay may paglabag sa Republic Act (RA) 8293, o mas kilala sa tawag na Intellectual Property Code of the Philippines at Section 118 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Nag-ugat ang operasyon base sa information and complaint mula sa Baranda & Associates na may iba’t ibang imported counterfeit products na nakaimbak sa loob ng storage units.
“The Bureau of Customs is relentless in its drive against smuggling of fake products in order to protect legitimate businesses that are diligent in paying duties and taxes that is due the government,” ayon naman kay Deputy Commissioner Raniel T. Ramiro of the Intelligence Group.
Samantala, pinuri naman ng Optical Media Board and the Intellectual Property Office of the Philippines ang BOC dahil sa pagkakasabat nito ng mga nabanggit na kontrabando.
Patuloy naman ang pagsisikap ng ahensya na tupdin ang kanilang mandato partikular ang hangaring mapataas ang revenue collection nito gayundin ang pagsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na wakasan na ang korapsyon sa ahensya tungo na rin sa paglago at pag-usad ng ekonomiya ng bansa. (Joel O. Amongo)
250