P2-B PEKENG KALAKAL NASABAT NG BOC

0

Ni JOEL O. AMONGO

HALOS P2 bilyong halaga ng mga pekeng kalakal ang pinakabagong nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Parañaque City nitong Hunyo 3.

Ang nakagawa nito ay ang Intelligence Group’s Intellectual Property Rights Division (IPRD), Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at ang Port of Manila District Office (POM – DO).

Isinagawa ng IPRD, CIIS at POM – DO ang operasyon sa Brgy. Baclaran batay sa Letter of Authority (LOA) at Mission Order (MO) na pirmado ni Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero.

Ang pinagsanib na puwer­sa ng IPRD, CIIS at POM – DO ay nag-inspeksyon sa isang bodega sa Parañaque na kung saan nadiskubre ang ibat-ibang produktong ang mga tatak ay Louis Vuitton, Gucci, Onitsuka Tiger, Vans, Adidas, Nike, JBL, Sony at Jordan.

Nadiskubre rin ng mga operatiba ng BOC ang mga pekeng personal care pro­ducts tulad ng Cetaphil, Pantene, Head & Shoulders, Vaseline, Jergens, Dove, Nivea, Glutamax, Kojic, Joe Malone, Bulgari, D&G, Channel, Victoria’s Secret, Hugo Boss, at Clinique.

Ang nasabing imported products ay kinumpiska dahil sa paglabag sa Seksiyon 118 (f) ng Republic Act 10863, o mas kilala sa tawag na Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), at Republic Act 8293, o Intellectual Property Code of the Philippines (IPCP).

Ang naturang pagkakakumpiska ng mga kalakal ay isa sa pinakamalaking nagawa ng BOC laban sa counterfeit goods mula Ene­ro 1 hanggang ngayong Hun­yo 6.

Idiniin ng BOC na ang mga nakumpiskang fake perfumes at cosmetic and beauty products ay maaa­ring mayroong toxic chemicals na makaaapekto sa kalusugan ng ma makagagamit nito.

Upang patuloy na ma­ging epektibo ang operasyon ng BOC tungo sa higit na makabago at streamlined Customs organization, sini­sipagan ng BOC – IG ang pagpapatupad ng kampanya laban sa ismagling at pagtitiyak ng border security, alinsunod sa direktiba ni Guerrero.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment