P2-B PEKENG PRODUKTO WINASAK NG POM

0
Ni JOEL O. AMONGO
AABOT sa P2 bilyong halaga ng mga pekeng produkto ang winasak ng Bureau of Customs – Port of Manila (BOC-POM) sa Meycauayan, Bulacan nitong  Sabado.
Ang mga nasabing produkto ay resulta ng operasyon ng Intellectual Pro­perty Rights Division (IPRD) ng intelligence group ng BOC laban sa mga negos­yanteng gumawa ng pekeng produkto ng mga sikat na kum­panya.
Dinaluhan nina POM Deputy Collector for Operations, Atty. Liza Sebastian; Auction and Cargo Disposal Division Chief (ACDD), Atty Enrico Turingan III; Intellectual Property Rights Division (IPRD) Chief Dominic Garcia; mga miyembro ng Enforcement and Security Service (ESS); kinatawan ng National Committee on Intellectual Property Rights (NCIPR); at, kinatawan ng iba’t ibang kumpanya.
Idiniin ng liderato ng POM na ang BOC ay nakatuon sa paglaban at pagsugpo sa pagpasok ng mga pekeng produkto sa bansa alinsunod sa direktiba ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero.
Sa kabilang banda, nagbabala rin ito sa publiko na mag-ingat sa paggamit ng mga pekeng produkto dahil mayroon itong negatibong epekto sa kalusugan ng tao.
(Joel O. Amongo)
 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment