P292.49M, PASOK SA SUBASTAHAN

SA halip na wasakin – tulad ng nakagawian – minabuti ng Bureau of Customs (BOC) na gawing pera sa paraan ng pagsusubasta ang mga nakumpiskang kargamento mula Enero hanggang sa huling buwan ng nakalipas na taon.

Sa datos ng kawanihan, pumalo sa P292.490 milyon ang pumasok sa kaban ng pamahalaan bunsod ng mga isinagawang public auction ng mga nasabat na kalakal – kabilang ang mga mamahaling sasakyan, mga gadget, construction materials, bakal, yero, mga piyesa at iba pa.

Paglilinaw ng BOC, hindi kabilang sa mga sinubasta ng 17 BOC district collection offices ang mga produktong may dalang peligro (batay sa pagsusuri ng mga dalubhasa) sa buhay at kalusugan ng mga mamamayan.

Bahagi rin ng pinaghugutan ng dagdag kita ng BOC sa sinubastang laman ng 443 containers na nakatengga (at itinuturing na pampasikip lang) sa mga pasilidad na pinangangasiwaan ng kawanihan.

20

Related posts

Leave a Comment