P300-M SMUGGLED GOODS NASABAT SA BULACAN

NASABAT sa isinagawang joint operation ng mga operatiba ng Bureau of Customs ang hinihinalang smuggled goods na tinatayang aabot ng P900 milyon sa Plaridel, Bulacan noong Mayo 26, 2023.

Ang nasabing operasyon ay isinagawa ng mga ahente mula sa Manila International Container Port (MICP), Intelligence Group, and Enforcement Group, sa tulong ng Philippine Coast Guard.
Sa pamamagitan ng Letter of Authority na nilagdaan ni Commissioner Bienvenido Rubio, ang BOC composite team ay nagsagawa ng operasyon sa warehouses na matatagpuan sa Plaridel, Bulacan.

Ang operasyon ay isinagawa sa koordinasyon ng local barangay at Philippine National Police.

Sa lubusang inspeksyon sa lugar, nadiskubre ng BOC ang nakatagong mga sigarilyo, kasama ng general merchandise, housewares, kitchenware, at counterfeit goods na hinihinalang ilegal na in-import sa bansa.

Sa liwanag ng mga natuklasan at nakabinbing pagsumite ng kaukulang dokumento, kasama ang batayan ng binayaran ng duties and taxes, tulad ng importation permits, ang BOC ay agarang umaksyon sa pamamagitan ng pansamantalang pag-padlock at pagselyo sa nasabing mga warehouse.

Dahil dito, ang mga may-ari ng nabanggit na mga warehouse ay binigyan ng 15-day period para magbigay ng kinakailangang documentary evidence.

Sinabi naman ni Commissioner Bienvenido Rubio, “The Bureau of Customs remains steadfast in its commitment in combating smuggling activities and protecting the interests of the general public. This operation demonstrates our determination to safeguard the integrity of our borders and ensure compliance with our customs laws.”

Kaugnay nito, hinikayat ng BOC ang publiko na i-report ang anomang pinaghihinalaang smuggling o illegal na kalakal para makatulong sa pagmantina ng patas at transparent business environment sa bansa.
(JO CALIM)

66

Related posts

Leave a Comment