P316-M ILLEGAL GOODS HULI SA BOC

0

Aabot ng 316 milyong pisong (P316-M) halaga ng mga ilegal na kalakal ang nasabat ng Bureau of Customs’ (BOC) sa pinatin­ding anti-smuggling campaign.

Inilunsad ang operasyon ng BOC – Manila International Container Port’s (MICP) at ang Port of Manila’s (POM) Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) sa tulong ng Enforcement Group Enforcement and Security Service (EG-ESS).

Sa ilalim ng direktiba ng Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, ang composite team ay nagtuloy sa iba’t ibang lokasyon na armado ng Letters of Authority (LOA).

Ang team ay nagtungo sa pag-inspeksyon ng iba’t ibang mga storage facilities na kung saan ay nagresulta sa pagkakadiskubre ng mga ilegal na kalakal at IP infringing items na may tinatayang kabuuang halagang Php 316 Million.

Ang unang team ay nagtungo sa isang storage facility na matatagpuan sa Navotas City at nadiskubre ang smuggled frozen meat, Peking duck at black duck.

Tinatayang nagkakaha­laga ng 16 milyong piso ang nasabing items.

Ang ikalawang team ay nag-operate at nag-inspek­syon sa storage facilities sa Pasay City at nadiskubre ang IP infringing clothing na may
iba’t ibang brand na tulad ng Nike, Lacoste, Jag, Louis Vuitton, Jordan, Crocs, Adidas, Havaianas, Disney, Frozen, Hello Kitty, Tribal,  Dickies, Mossimo, Levi’s, Petrol, Gap, Fila, Uniqlo, Lee, Puma, DC, at Marvel.

Ang nasabing items ay tinatayang may halagang Php 300 Million.

Ang naturang items ay kasalukuyan nang isinasa­ilalim sa inventory at investigation para sa posibleng paglabag sa Section 1400 ng RA 10863 o mas kilala bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) pati na rin sa iba pang may kaugnayan sa intellectual pro­­perty laws of the Philippines.

Sa kanyang pahayag sinabi ni BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero na ang Bureau ay patuloy sa pagpupursige laban sa mga walang prinsipyong grupo at indibidwal. Kaugnay nito, muling inulit ni Guerrero na ang BOC ay suportado ang lehitimong mga negosyo na nagbabayad ng tamang duties and taxes.

Bilang ang bansa ay patuloy na gamit patungo para makarekober ang ekonomiya, ang Bureau of Customs ay nananatili sa kanilang pangako sa pag-ganap ng kanilang border security duties and anti-smuggling campaign.
(Joel O. Amongo)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment