P380-M KUMPISKADONG YOSI, WASAK SA ZAMBO

SA layong tiyaking hindi na makararating pa sa merkado, piniling wasakin na lamang ng Bureau of Customs (BOC) ang P380-milyong halaga ng mga imported na sigarilyong nasabat ng Port of Zambonga sa mga operasyon kontra smuggling sa nasabing rehiyon mula ng Mayo hanggang Nobyembre.

Sa ginanap na pagwasak ng mga kumpiskadong sigarilyong nakabarega sa isang bodega sa Barangay Baliwasan, bina­laan din ni Port of Zamboanga District Collector Segundo Sigmundfreud Barte ang mga sindikato sa likod ng cigarette smuggling sa karagatang sakop ng kanyang distrito na bukod sa pagsamsam ng mga ilegal na epektos, titiyakin din aniyang mananagot sa batas ang mga madarakip sa kanilang walang humpay na operasyon sa pagbabantay sa karagatan sa katimugang bahagi ng bansa.

Ani Barte, hindi sila magsasawang tugisin ang mga pirata sa kanilang sakop ng karagatan bilang tugon sa direktiba ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero kaugnay ng mas pinaigting na kampanya kontra smuggling sa kanyang teritoryo.

Kabilang naman sa mga dumalo sa isinapublikong pagwasak ng hindi bababa sa 8,250 master cases ng kumpiskadong sigarilyo ang mga kinatawan mula sa Commission on Audit (COA) at iba pang ahensyang katuwang ng BOC sa pagtugis sa mga sindikatong sangkot sa pagpupuslit ng mga kalakal mula sa mga karatig bansa sa timog.

“Smugglers often declare their cargoes during anti-smuggling operations or Customs checkpoint as sacks of dried fish or fishes with other prime commodities or junk foods inside iceboxes,” ayon sa kalatas ng nasabing tanggapan.

Binigyang pagkilala rin bilang bahagi ng matagumpay na operasyon kontra smuggling ang Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, Philippine National Police, Philippine Marines, Philippine Navy, National Bureau of Investigation, Joint Task Force Zamboanga, Bureau of Fire Protection, Philippine Drug Enforcement Agency at Bureau of Internal Revenue.

“This accomplishment will not be possible without the unwavering support and efficient inter-agency coordination among their partner agencies,” ayon pa sa opisyal. (JOEL AMONGO)

5

Related posts

Leave a Comment