P4.4B, PASOK SA TACLOBAN

boc pera

MALIIT man, nakakapuwing din. Ito marahil ang nagsilbing inspirasyon ng mga opisyal at kawani ng tanggapan ng Bureau of Customs (BOC) sa lungsod ng Tacloban (Leyte), matapos makapagtala ng tumataginting na P4.4 bilyong kitang kalakip ng mga pumasok at lumabas na kargamento mula Enero hanggang Setyembre 2022.

Pagmamalaki ni BOC-Tacloban District Collector Francis Tolibas, ang P4.428 biltong ganasyang nalikom ng kanyang nasasakupang distrito ay katumbas na ng 85% ng kanilang P5.213 bilyong target collection para sa buong taon.

Sa datos ni Tolibas, pinakamalaki ang nakolekta ng BOC-Tacloban noong buwan ng Hulyo kung saan umabot sa P810,235,882 ang nalikom – 110% na mas malaki kumpara sa P385 milyong target sa nasabing buwan.

Buwan naman ng Hulyo ng makapagsampa ng P587.280 milyon ang BOC Tacloban, habang P393 milyon naman ang pumasok noong buwan ng Agosto.

Para kay Tolibas, malaking bentahe sa kanyang distrito ang sigasig at katapatan ng mga empleyado ng BOC-Tacloban – bukod pa sa inilatag na reporma at modernisasyon sa mga prosesong kalakip ng mga transaksyon ng kawanihan.
(BOY ANACTA)

15

Related posts

Leave a Comment