P50-M SMUGGLED YOSI WINASAK NG BOC-PORT OF ZAMBOANGA

0

Aabot ng limampung mil­yong pisong (P50-M) halaga ng smuggled na sigarilyo ang winasak ng Bureau of Customs (BOC)-Port of Zamboanga City.

Kasama ang mga kinatawan mula sa iba’t iba pang ahensiya ng pamahalaan, isinagawa ang pagsira sa may 1,278 master cases at 513 reams ng yosi sa Brgy. Baliwasan ng naturang lungsod.

Nakumpiska ang mga puslit na sigarilyo sa magkakahiwalay na anti-smuggling operations simula noong Disyembre 2020.

Ang pagwasak ay ginawa sa pamamagitan ng payloader equipment sa labas ng yarda ng BOC. Nilagyan din ito ng langis para hindi na magamit uli, pinaulanan at binasa ng tubig ng mga bumbero at tuluyang itinapon sa isang sanitary landfill.

Ito ay ang first condemnation activity na isinagawa ng Port of Zamboanga para sa taong 2021 kasunod ng tatlong condemnation activities sa nakaraang taon.

Ang agarang pagwasak at pagtapon sa mga puslit na kontrabando ay isang matatag na direktiba ni Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero upang mabigyan ng promosyon ang transparency at alisin ang pagdududa ng korapsyon, nakawan at pangu­ngupit sa ahensiya.

Samantala, nagpasalamat naman si District Collector Segundo Sigmundfreud Z. Barte Jr. sa hindi matinag na suporta at mahusay na inter-agency coordination kasama ang kanilang partner agencies.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, Philippine National Police, Philippine Marines, Philippine Navy, National Bureau of Investigation, Joint Task Force Zamboanga, Bureau of Fire Protection, Philippine Drug Enforcement Agency, Bureau of Internal Revenue, local government at iba pang concerned stakeholders.

Sinaksihan ang condemnation ceremony ng pamahalaang lungsod ng Zamboanga, mga pinuno ng iba’t ibang law enforcement agencies nasa lugar gayundin ang mga kinatawan mula sa Commission on Audit, Department of Health, at ang mga BOC stakeholders.
(Joel O. Amongo)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment