P7-M UKAY-UKAY HULI SA BOC-PORT OF ILOILO

0

Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Iloilo ang aabot sa pitong milyong (P7 million) secondhand goods o locally known bilang “ukay-ukay” sa isang warehouse facility na matatagpuan sa Brgy. Villamonte, Bacolod City.

Isang composite team sa pamumuno ni Port of Ilo­ilo’s Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) Field Station Chief Lot K. Abordo kasama ang Enforcement and Security Service – Customs Police Division (ESS-CPD) personnel at miyembro ng Customs Border Protection (CBP)- District VI Team.

At sa tulong na rin ng Philippine National Police (PNP) at mga opisyal ng Barangay Villamonte na nagsagawa ng inspeksyon sa storage facility sa pamamagitan ng nilagdaang Letter of Authority (LOA) mula kay BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero.

Nadiskubre ng team ang bales ng ukay-ukay na nag­lalaman ng shoes, bags, bed sheets at curtains.

Noong Mayo 4, 2021 si District Collector Ciriaco Ugay kasama ni Collecto­r Renevic Soliman ng Sub-Port of Pulupandan ay pina­ngunahan ang inventory ng nasabat na kalakal na isinagawa ng Customs Examiners Jessie Nallos at Samson Alonsagay II.

Agad naman na isinagawa ang paghahain ng mga kaso laban sa may-ari ng nasabing kalakal para sa paglabag sa RA 4653 na “prohibits the commercial importation of used clothing and rags to safeguard the health of the people and maintain the dignity of the nation.”

Ang BOC- Port of Iloilo sa ilalim ng pamumuno ni Collector Ugay ay nangako sa pagpupursige sa mandato ng Bureau sa pagprotekta ng hangganan ng bansa laban sa pagpasok sa ipinagbabawal na kalakal.
(Joel O. Amongo)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment