P76.1-M COCAINE NASABAT, 2 BIYAHERO HULI SA NAIA

UMABOT sa P76.1 milyong halaga ng cocaine ang nasabat mula sa dalawang biyahero ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC), BOC-Ninoy Aquino International Airport (NAIA), sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG), na nakitang nakalagay sa kanilang bagahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Setyembre 28, 2023.

Ang nasabing pinagsamang operasyon sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City, ay kasama ang mga tauhan ng Arrival Operations Division ng BOC NAIA, PDEA, at Customs Anti-Illegal Drugs Task Force, na nagresulta pagkakaaresto sa dalawang Singaporean national na dumating mula Doha, Qatar, via Qatar Airways flight QR 928.

Ang bagahe ng nasabing mga pasahero ay isinailalim sa mahigpit na pagsasala, kasama ng X-ray scanning, at lubusang physical examination, na naging daan sa pagdidiskubre sa 14.36 kilograms ng cocaine na nakalagay sa bagahe, na tinatayang P76,108,000 ang halaga, ayon sa kumpirmas­yon ng PDEA.

Ang hinuling dalawang biyahero ay sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at Republic Act 10863, o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Sa ilalim ng pamumuno ni Acting District Collector, Atty. Yasmin O. Mapa, ang BOC-NAIA ay nananatili sa kanilang pangako na pagprotekta sa national borders at pagpapahusay ng koordinasyon sa kanilang partner agencies.

Sa patnubay ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio, ang BOC ay nakatuon sa pagprotekta sa bansa laban sa pagpasok ng illegal goods, alinsunod sa mahigpit na pagsunod sa direktiba ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos, Jr.

(JOEL O. AMONGO)

45

Related posts

Leave a Comment