P76.77-B para lang sa Nobyembre ACTUAL COLLECTION APAW, LIGLIG, SIKSIK

TULAD na inaasahan, mu­ling nagtala ng higit pa sa itinakdang monthly target revenue collection ang Bureau of Customs (BOC).

Sa datos ng BOC Financial Service Office, pumalo sa P76.77 bilyon ang nalikom na pondo ng kawanihan mula sa buwis at taripang kalakip ng pagdagsa ng mga kargamento.

Lumalabas na mas malaki ng P16.176 bilyon (katumbas ng 26.7% surplus) ang naipasok ng kawanihan sa kaban ng bayan – malayo sa P60.6 bil­yong collection target para sa buwan ng Nob­yembre.

Kung pagsama-samahin ang isinampang pondo ng BOC mula Enero hanggang Nobyembre, lumalabas na lagpas pa sa P790 bilyon ang ambag ng kawanihan sa pamahalaan.

Kapansin-pansin din na walang sumablay sa 17 BOC district collection offices sa kani-kanilang target, ayon pa sa Financial Service Office ng BOC.

Para kay Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, higit na angkop kilalanin ang ipinamalas na sigasig, husay at katapatan ng mga empleyado ng ahensyang tinawag niyang “bagong BOC”. (JO CALIM)

35

Related posts

Leave a Comment