P9.49M sibuyas kumpiskado ONION SMUGGLING BISTADO SA ZAMBO

DALAWANG sasakyang dagat ang sinamsam ng mga alistong operatiba ng Bureau of Customs (BOC) sa aktong nagpapasok ng mga imported na sibuyas sa karagatang sakop ng Lungsod ng Zamboanga.

Sa kalatas ng BOC, kum­piskado sa dalawang magkahiwalay na operasyon kasama ang Philippine Navy ang nasa P9.49-milyong halaga ng mga sibuyas na lulan ng mga bangkang de motor sa baybaying bahagi ng Barangay Labuan at Barangay Cawit ng naturang lungsod sa katimugang bahagi ng bansa.

Unang nasilat sa Barangay Labuan ang jungkong-type na bangkang markado bilang Timzzan habang lulan ang halos P2.6 milyong halaga ng mga sariwang red onions. Sa imbentaryo, umabot sa 1,624 mesh bags ang nakumpiska sa nasabing operasyon.

Sumunod namang natimbog sa Barangay Cawit ang 4,308 mesh bags (katumbas ng P6.89-milyong halaga) ng sibuyas na lulan ng MJ Marissa sa Varadero de Cawit.

Nasa kustodiya na ng tanggapan ng Department of Agriculture (DA) sa karatig na Barangay Talisayan ang mga nasabat na produktong agrikultura.

98

Related posts

Leave a Comment