PAGBABANTAY SA MGA BORDER HINIGPITAN PA NG BOC-NAIA

BOC-NAIA-2

(Ni Jomar Operario)

Hinigpitan pa ng Bureau of Customs Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang kanilang pagbabantay sa hangganan upang maharang ang mga ilegal na kontrabando na pumapasok sa nasabing paliparan.

Kaugnay nito, si District Collector ng BOC-NAIA Mimel Talusan ay nagpaa­lala sa publiko na  mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng RA 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) in relation to RA 10863 (The Customs Modernization Tariff Act) ang pag-import at export ng illegal drugs.

Matatandaan,  nitong nakaraang Hulyo 26, 2019 muling nakasabat ang Customs-NAIA ng P5.5 milyon halaga ng ecstasy, valium at marijuana sa paliparan.

Ito’y kaalinsunod na rin sa mga  alertadong examiners at operatiba ng BOC-NAIA at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Kabilang sa nakum­piska ang 1,490 tabletas ng ecstasy; 3,320 tabletas ng valium at 1,850 gramo ng kush weeds/marijuana na may kabuuang halagang P5.5 milyon.

Ang halaga ng ecstasy tablets ay nasa P2.3 milyon na nagmula sa Germany na idineklarang regalo habang  ang kush/marijuana naman mula sa USA na idinekla­rang snacks na tortilla chips na nagkakahalaga naman sa  P2.9 milyon.

Nabatid na ang consignees ng dalawang parcels ay mula sa Cavite at San Juan City na kung saan ang may-ari ng kush/marijuana ay nahuli na kamakailan at nasa kustodiya na ngayon ng PDEA.

Samantala, ang P56,000 halaga ng valium tablets na nakatakdang i-export ay para sa 36 consignees ng walong bansa na kinabibilangan ng USA, Australia, Abu Dhabi, Germany, Saudi Arabia, France, Sweden, Spain, United Kingdom at ipinadala sa apat  na iba’t ibang shippers mula sa Pa­rañaque at Bulacan.

“BOC NAIA is committed to be always vigilant in protecting the borders from the entry and exit of illicit goods,” ayon kay  Talusan.

Sa kasalukuyan, ang Customs-NAIA ay nakapagtala na ng  kabuuang 48 drug busts na kung saan nag­resulta ito ng pagkakumpiska ng milyun-milyong pisong halaga ng ilegal na droga.

144

Related posts

Leave a Comment