PAGBIYAHE NG 100 MT NG NICKEL, PINIGILAN

HINDI nakalusot ang tangkang pagbiyahe ng tinata­yang 100 metriko toneladang nickel na lulan ng isang barkong patungo sana sa bansang China.

Sa kalatas ng Bureau of Customs (BOC), inalerto ng BOC-Surigao District Collector Jonah Herbert Dollano ang tanggapan ng district inspector na nakabase sa Lungsod ng Surigao kaugnay ng diumano’y nakatakdang pagbiyahe papuntang China ng tinatayang 100 metriko tonelada ng nickel na sakay ng MV Lucky Source at MV De Xin Xing Long.

Sa kanyang nilagdaan direktiba, agad na ipinag-utos ang pagdidiskarga ng mga lulan nickel batay na rin sa isang inter-agency memorandum circular mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Mines and Geosciences Bureau regional office.

Sa ilalim ng naturang me­morandum circular na pirmado ni MGB-Geosciences Division chief Romeo Dalodalo, isang cease and desist order ang inilabas laban sa Claver Mine­ral Development Corp. (CMDC) kaugnay ng mga paglabag mga probisyon sa ilalim ng mineral production sharing agreement (MPSA).

Bagama’t sinuspinde na, may mga nakalap na ebidensya ang MGB sa patuloy na operasyon ng CMDC sa 434-ektar­yang mining site sa Barangay Cagdianao, Claver, Surigao del Norte and Barangay Carrascal, Surigao del Sur.

Paliwanag ng MGB, walang basehan para magbiyahe ng mga nickel ang naturang kum­panya lalo pa’t nanatili ang bisa ng ipinataw na suspensyon.

14

Related posts

Leave a Comment