Pakinabang ng x-ray machines DROGA NA NAMAN!

SA tulong ng mga makabagong kagamitan ng Bureau of Customs (BOC), nabisto ng pinagsanib na operatiba mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng nasabing kawanihan ang tinatayang P15.64-milyong halaga ng mga iligal na drogang laman ng dalawang bagaheng nakabarega sa FedEx warehouse ng Ninoy Aquino Inter­national Airport (NAIA).

Unang nasabat ng mga operatiba ang isang parcel na idineklarang mga damit mula sa nagngangalang Alam Persiaran Dato Menteri, ng Sec. 14, Shah Alam, Malaysia. Sa tala ng ahensya, isang Edmar Blay ng SJV, Blk. 10, Lot. 22, Brgy. Langgam, San Pedro, Laguna ang consignee.

Sumunod na nasabat ng mga operatiba ang drogang padala ni Menterisa isang consignee na nagngangalang Janete Acapulco ng Sta. Clara, Macsor Site, sa lalawigan ng Batangas.

Natuklasan ng Customs at PDEA na ilegal na droga ang laman ng dalawang parcel na nakatago sa mga damit, nang dumaan sa x-ray inspection at physical examination ng Customs NAIA at PDEA.

Agad na inilipat sa pangangalaga ng PDEA ang mga nasabing bagaheng naglalaman ng droga para sa karagdagang imbestigasyon.
Samantala, bahagi rin ang BOC sa operasyong ikinasa ng PDEA at Philippine National Police (PNP) sa Angeles City sa lalawigan ng Pampanga kung saan 38 kilo ng kumpirmadong shabu ang nasamsam sa apat na Tsinong napatay sa enkwentro.

Sa tala ng mga operatiba, hindi bababa sa P262 milyong ang halaga ng mga drogang tumambad.

Bago pa ang nasabing operasyon, nasabat din ng mga operatiba ng pinagsanib na pwersa ng BOC, PNP, at PDEA ang 240 kilo ng shabu sa dalawang suspek na umano’y naging susi para matunton ang mas malaki pang imbakan ng droga sa Angeles City.

34

Related posts

Leave a Comment