Panukala ni Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos 40-TAON HATOL PARA SA AGRI-SMUGGLING

Ni angel f. jose

HINDI biro ang dagok na dulot ng malawakang cigarette smuggling sa hanay ng mga magsasakang Pilipino, ayon kay Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos III.

Kaya naman ang kanyang mungkahi sa Kamara de Representantes, mas mabigat na parusa sa mga napatunayang nagkasala sa kasong smuggling.

Sa pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food, inaprubahan ang House Bill 3917 na naglalayong patawan ng parusang pagkabilanggo hanggang 40 taon ang mga smuggler na aniya’y pumapatay sa kabuhayan ng mga magsasaka sa mga rehiyon kung saan pagtatanim at pag-ani ng tabako ang pangunahing kabuhayan.

Ayon sa batang Marcos na may akda ng HB 3917, napapanahon nang tuldukan ang cigarette smuggling at agresibong pagtugis sa mga sindikato sa likod ng malawakang modus ng puslit-yosi sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Batay aniya sa kanyang natanggap na impormasyon, patuloy at malayang nakakapagpuslit ng sigarilyo ang mga sindikato sa gawing katimugang bahagi ng bansa.

Sa ilalim ng inihaing panukala, target na amyendahan ang Sections 3 at 4 ng Republic Act 10845 (Anti-Agricultural Smuggling Act) kasabay ng giit na isama ang tabako sa talaan ng tinatawag na “agricultural commodities” ang tabako – pangunahing sangkap sa paggawa ng sigarilyo.

Para makatiyak na mananagot ang mga madarakip ng cigarette smugglers, mungkahi pa ng presidential son na ga­wing “no bail” ang agri-smuggling at ang pagpapataw ng mas mabigat na multa.
“Government revenues are lost from smuggled, unregistered and unregulated cigarettes that were being sold via container van shipments. This resulted in an estimated P26 billion in foregone revenues annually,” ani Marcos III.

“If this continues to increase, it will affect our local tobacco industry and roughly 2.2 million of our countrymen will be affected,” dagdag pa niya.

Para sa batang kongresista, malaki ang inaasahang ambag ng industriya ng tabako kung tuluyan nang matutuldukan ang cigarette smuggling sa bansa. Aniya pa, 58% ng kinokolektang buwis mula sa local tobacco industry ang napupunta sa walong milyong Pilipino sa ilalim ng Universal Healthcare
Program ng pamahalaan.

18

Related posts

Leave a Comment