Para sa 1st quarter ng 2021 P287-M KARAGDAGANG KITA NAKOLEKTA NG BOC-PCAG

Aabot ng mahigit sa 287 milyong piso (287,036,700.02) ang kitang naidagdag mula sa customs duties and taxes para sa 1st quarter ng 2021 mula sa koleksyon ng Bureau of Customs -Post Clearance Audit Group (BOC-PCAG).

Ayon sa BOC – PCAG, dahil sa kanilang pinaigting na pagsisikap sa trabaho, nakolekta nila ang dadag na kita ng ahensiya mula sa 51 Prior Disclosure Program (PDP) applications na naka-file sa kanilang tanggapan.

Bukod pa dito ang kanila ring kinita mula sa mga demand letters na inisyu sa mga importers matapos na isagawa ang post clearance audit.

Labing tatlo (13) ang naka-file na PDP applications na kanilang inaprubahan habang apat (4) ang tinanggihan para sa pagpapatuloy ng pag-audit na isinasagawa sa mga nasabing importer.

Dahil sa tagumpay sa pagsisikap ng revenue collection, ang BOC – PCAG ay nananatiling optimistiko para sa karagdagang kita na makokolekta mula sa natitira pang mga buwan ng taon.

Mayroon pa daw 57 new Audit Notice Letters (ANL) na inisyu ngayong 2021.

Bukod dito, mayroon pa ring labing tatlong (13) final demand letters na inisyu sa importers na aabot sa mahigit 7 bilyong piso ang halaga na nananatiling hindi pa bayad at nakatakdang ipasa sa Bureau’s Legal Service para sa paghahain ng corresponding collection suit.

Kaugnay nito, ang BOC sa pamamagitan ng PCAG ay tiniyak sa publiko na nananatili silang matatag sa kanilang pangako sa pagprotekta sa kita ng gobyerno sa pinaigting na post clearance audit efforts.

Ang BOC – PCAG din ay patuloy sa kanilang pagbaban­tay kasama ng pinahusay na risk-based profiling of importers at pagsasagawa ng post clearance audit para matukoy kung multa at parusa ang kanilang ipapataw sa mga lumalabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at iba pang customs rules and regulations. (Joel O. Amongo)

78

Related posts

Leave a Comment