Para sa BOC Collection District XII 2022 TOP EXPORTERS, IMPORTERS KINILALA

boc

KASABAY ng pagdiriwang na kalakip ng ika-96 anibersaryo ng Bureau of Customs – Collection District XII, ginawaran ng pagkilala ang mga katuwang sa pribadong sektor – kabilang ang mga importers at exporters na tapat sa pagbabayad ng buwis at taripa ng mga pinasok at inilabas na kargamento.

Sa ginanap na pagtitipon sa Davao, kabilang sa mga dumalo si Customs Commissioner Bienvenido Rubio na personal na naggawad ng parangal sa 2022 Top Importers and Exporters sa naturang distrito.

Kalakip rin ng pagtitipon, idinaos ang kauna-unahang Customs Summit sa Mindanao sa temang ‘Empowering MSMEs through Seamless Automated BOC Services’ na naglalayon makapag bahagi ng sapat at angkop na kaalaman sa automated import and export process sa hanay ng mga maliit na negosyo.

Kabilang rin sa nakiisa at lumahok sa anibersaryo ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang lokalidad sa Davao Region, mga katuwang na ahensya ng pamahalaan, pribadong sektor at mga dignitaryo.
(BOY ANACTA)

20

Related posts

Leave a Comment