IPINAGDIWANG ng Bureau of Customs (BOC)-Port of Tacloban ang kanilang 78th founding anniversary noong Oktubre 10, 2023.
Ito ay nakapagtala ng walong dekada na hindi natitinag ang pangako para sa pagkolekta ng kita, mabilis na kalakalan at pangangalaga sa kapakanan ng mga hangganan ng bansa.
Simula nang pagkakatatag noong 1945, ang BOC-Port of Tacloban ay nakapaglaro sa isang mahalagang papel sa pagtitiyak sa ekonomiya at national security sa Eastern Visayas.
Paglipas ng mga taon, ang Port of Tacloban ay patuloy na umunlad at iniangkop upang matugunan ang nagbabagong kailangan sa international trade habang minamantina ang kanilang mahalagang pag-uugali sa ‘professionalism, integrity, and accountability’.
Bilang bahagi ng paggunita ng nasabing kapansin-pansing milyahe, ang Port of Tacloban ay nagsagawa ng ‘Thanksgiving mass’.
Bukod dito, kinilala ng Port ang top importers bilang isang uri ng pasasalamat para sa kanilang kontribusyon sa pag-abot sa collection target ng puerto.
Kaugnay nito, nagbigay-pugay rin ito sa kanilang ‘retiring employees’ na malaki ang naiambag sa tagumpay ng nasabing puerto.
Kasabay nito, isang Re-Echo Seminar on the Implementation of the Rebranding and National Image Building Campaign ng Bureau of Customs (Bagong Pilipinas sa Bagong Aduana) ang isinagawa sa pamamagitan nina Paulino K. Cabello, Jr., Collector IV, Sub-port of Catbalogan, at Atty. Ma. Charine Q. Tañega, chief, Administrative Division, Port of Tacloban.
Ang Port of Tacloban, sa pamumuno ni District Collector Atty. Francis T. Tolibas, ay nananatili sa kanilang pangako sa pagpapaunlad ng customs services, pagpapatupad ng digitalization, at pangangalaga sa kapakanan at pag-unlad ng kanilang mga empleyado.
(JOEL O. AMONGO)
198