PASAHERO LAGLAG SA P18.4-M COCAINE SA BOC-CLARK, PDEA

ARESTADO ang isang pasahero na may dalang P18,380,400 halaga ng cocaine sa kanyang bagahe, sa mga tauhan ng Bureau of Customs-Port of Clark, kasama ng Clark International Airport Terminal 2, Pampanga kamakailan.

Noong Mayo 23, 2023, ang Passenger Services Division of the Port of Clark, sa pakikipagtulungan sa Clark-CAIDTF and PDEA Clark Inter-Agency Drug Interdiction Task Group, ay nagsagawa ng drug interdiction operations sa Clark International Airport Terminal 2 base sa impormasyong mula Homeland Security Investigation (HSI) na isang kahina-hinalang traveler na may dalang illegal drugs ang parating na nakasakay sa Emi­rates Airline.

Ang indibidwal, isang Surinamese national na nagmula sa Brazil, ay dumating mula Dubai via Flight Number EK338.

Ang kanyang bagahe ay isinailalim sa X-ray inspection, K9 sniffing, at 100% physical exa­mination, naging daan ng pagkakadiskubre ng 3,468 gramo ng white powder substance na hinihinalang cocaine.

Ang nasabing substances ay inilagay sa 30 vacuum-sealed transparent plastic bags na ibinalot sa mesh cloth at blue carbon paper.

Ang samples ay na-turn-over sa PDEA para sa chemical laboratory analysis, na nagkumpirmang ang substances ay cocaine, isang dangerous drug sa ilalim ng R.A. No. 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.

Isang Warrant of Seizure and Detention ang inisyu laban sa illegal drugs para sa paglabag sa Section 118(g), 119(d), and 1113 par. (f) ng R.A. No. 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act na may kaugnayan sa RA No. 9165.

Ang arestadong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng PDEA, at isang kaso ang isampa para sa paglabag sa Section 4, Article II ng R.A. No. 9165.

“This latest apprehension is a result of our increased vigilance and strengthened intelligence gathering as means of guarding our borders, especially now that we are seeing our tourism getting back to normal,” ani District Collector Elvira Cruz.

“We remain firm in our commitment to President Ferdinand Marcos, Jr.’s directive to curb illegal drug smuggling in the country. We pledge to further improve and strengthen our measures on drug interdiction,” ayon naman kay Commissioner Bienvenido Y. Rubio. (BOY ANACTA)

82

Related posts

Leave a Comment