PASAHERONG DAYUHAN HULI SA P55.34-M SHABU

NADISKUBRE ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), kasama ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG), ang shabu na nakalagay sa loob ng dalawang checked-in luggage ng isang pasahero sa NAIA Terminal 3 noong Hunyo 5, 2023.

Ang luggage ay pagmamay-ari ng isang Liberian passenger na dumating sa Pilipinas via Qatar Airways flight number QR 934 mula Doha, Qatar, noong Hunyo 4, 2023.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon, ang pasahero ay mula sa Lagos, Nigeria. Ang da­yuhan ay pansamantalang pinigil ng Bureau of Immigration dahil sa kakulangan sa immigration papers.

Ang luggage nito ay isinailalim naman sa X-ray screening ng mga operatiba ng X-ray Inspection Project (XIP) sa pamumuno ni Atty. Ma. Lourdes V. Mangaoang.

Nauna rito, ang XIP ay naghudyat hinggil sa kahinahinalang luggage ng pasahero na posibleng naglalaman ng illegal drugs.

Isang customs examiner mula sa Arrival Operations Division ang nagsagawa ng 100% physical examination na nag­resulta sa pagkakadiskubre sa 8.138 kilograms ng shabu na itinago sa loob ng yellow powdery spices, at may Dangerous Drugs Board street value na PHP 55,338,400, ayon sa pagkumpirma ng PDEA.

Ang nasabing luggage ay isinailalim sa seizure and forfeiture proceedings at agad na inimbestigahan ang naarestong pasahero sa paglabag sa Republic Act (RA) No. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at RA 10863, o kilala bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Ang BOC, sa pamumuno ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio, ay muling nangako na pigilan ang pagpasok ang ilegal na kalakal sa bansa. Habang ang BOC-NAIA, sa pamumuno ni District

Collector Atty. Yasmin Mapa, ay patuloy sa pinaigting na border control at pinahusay na koordinasyon sa partner agencies para labanan ang illegal drug smuggling. Pinuri naman ni Commissioner Rubio ang BOC-NAIA, PDEA, XIP, at NAIA-IADITG sa kanilang pagsisikap sa mahalagang suporta sa operasyon.

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pinagsamang pagsisikap ng law enforcement agencies sa paglaban sa drug trafficking at pagtitiyak sa kaligtasan at pagbabantay sa taumbayan.

52

Related posts

Leave a Comment