Pati mga bodega, meron na rin NAIA KARGADO NA NG X-RAY GADGETS

0

BILANG tugon sa patuloy na tangkang pagpuslit ng mga iligal na kargamento sa pangunahing paliparan ng bansa, mas pinaigting pa ng Bureau of Customs-Port of NAIA sa tulong ng People’s Air Cargo (PAIRCARGO), ang kanilang scanning capabilities gamit ang mga karagdagang x-ray machines na susuri sa mga kargamentong dumadaan sa Ninoy Aquino International Airport.

Sa isang seremonyang dinaluhan nina Customs Internal Administration deputy commissioner Donato San Juan, Port of NAIA District Collector Carmelita Talusan at XIP acting chief General Roberto Ancan, tiniyak ni PAIRCARGO President and CEO Joseph Madrigal ang kanilang pakikipagtulungan sa nasabing kawanihan kaugnay ng kampanya laban sa mga sindikato sa likod ng smuggling sa nasabing pasilidad.

Paglilinaw ng BOC, hindi sila ang bumili ng mga karag­dagang x-ray machines (XIS-818) kundi ang PAIRCARGO, sa hangaring pabilisin ang pagpoproseso ng mga kargamento at bagaheng papasok at palabas ng bansa.

Paliwanag pa ng kawanihan, may kakayahan ang mga dagdag x-ray machines na masilip ang laman, kulay at maging ang komposisyon ng anumang nasa loob ng mga kargamento at bagahe, gamit ang six-color imaging feature ng nasabing gadget.

Sa pahayag ni Port of NAIA district collector Atty. Talusan, binigyang pagkilala ang inisyatiba ng PAIRCARGO, na aniya’y patunay ng matibay na ugnayan ng kanilang tanggapan at iba pang stakeholders sa kanilang nasasakupan.

Sa ilalim ng malalim na ugnayan sa pagitan ng Port of NAIA at kanilang mga private counterparts, pumalo na sa P157 milyong halaga ng mga iligal na kargamento ang kanilang nasabat para sa taong 2021 sa tulong ng mga stakeholders  kabilang ang mga operator ng mga warehouse facilities na pinaglalagakan ng mga kargamento at bagaheng lumalapag sa nabanggit na paliparan.
Sa nasabing halaga, P95.4 milyong halaga ng mga  smuggled luxury items, un­registered medicines at cosmetic products ang kanilang nasabat sa tulong ng PAIRCARGO.  (BOY ANACTA)

 

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment