PBBTS INILUNSAD NG BOC

PBBTS

OPISYAL nang inilunsad ng Bureau of Customs (BOC) ang Parcel at Balikbayan Box Tracking System (PBBTS)  na siyang maghahatid at magsusulong para sa transparency at  mapabilis ang kalakalan.

Ang pormal na paglulunsad ay isinagawa sa Bureau of Customs (BOC), OCOM Conference Room South Harbor, Manila, noong Oktubre 30.

Layunin ng PBBTS, na magkaroon ng mas epektibong tracking parcels at balikbayan boxes at mapadali ang  pag-access sa pamamagitan ng  BOC website www.customs.gov.ph.

Sa naturang sistema, ay makapagbibigay ng updates ukol sa status o kalagayan ng  parcel o balikbayan boxes. Daan na rin ito upang masawata ang scams na kagagawan ng mga tiwaling tao.

Kabilang sa mga dumalo ay sina BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, Deputy Commissioner Donato B. San Juan, Deputy Commissioner Raniel T. Ramiro, Deputy Commissioner Vener S. Baquiran, Assistant Commissioner Vincent Philip C. Maronilla, POM Collector Arsenia C. Ilagan at NAIA Collector Carmelita M. Talusan at iba pa.

Sa mensahe ni Assistant Commissioner Maronilla, sinabi nitong malaki ang maitutulong ng PBBTS sa nalalapit na Kapaskuhan.

Inaasahan na maraming Overseas Filipino Workers ang magpapadala ng kanilang balikbayan boxes at packages para sa kani-kanilang mga mahal sa buhay na nasa Pilipinas ngayong Pasko.

Pinangunahan naman ni BOC Commissioner Guerrero ang pagsasara ng okasyon sa pamamagitan ng pagkakaroon ng live demonstration ng system.

Paalala pa rin ni Guerrero sa publiko na maging maingat sa pagpapadala ng kani-kanilang  packages at parcels  upang  hindi mabiktima ng fly-by-night operators.  (Joel O. Amongo)

128

Related posts

Leave a Comment