BINISITA ng mga opisyal ng Bureau of Customs-Port of Subic (BOC-Port of Subic) Assessment & Operations Division, ang Philippine Coastal Storage & Pipeline Corp (PCSPC) upang makalahok sa vital dialogue kaugnay sa mga operasyon ng PCSPC depot at mahalagang pag-unlad sa petroleum industry.
Ang ocular visit ay isinagawa noong Oktubre 17, 2023 kasunod ng brief meeting na naging paksa ang comparative data ng petroleum products depot capacity for 2023 versus 2022, gayundin ang mga isyu at mga alalahanin na may kaugnayan sa petroleum products importations.
Ang pagtalakay ay umikot sa mahalagang mga puntos hinggil sa “PCSPC Depot Operations”. Ang mga opisyal ng BOC-Port of Subic ay nagtamo ng valuable insights sa day-to-day operations and processes ng PCSPC depot, na may mahalagang papel sa petroleum supply chain sa loob ng rehiyon;
“Comparative Data Analysis”. Ang bawat panig ay lumahok sa comprehensive review sa data comparing petroleum products depot capacity noong 2023 kumpara sa nakaraang taon, 2022.
Ang analysis na ito ay magsisilbing gabay upang matukoy ang mga uso at matasa ang paglago sa storage capabilities.
“Petroleum Products Importations”. Pinagtuunan ng pansin ang mga alalahanin na may kaugnayan sa petroleum products importations, kabilang ang regulatory compliance, customs procedures, and safety protocols upang matiyak ang streamlined and secure importation process.
Itinaguyod sa nasabing pagpupulong ang wastong kapaligiran para sa pagpapalawak ng BOC-Port of Subic officials at PCSPC representatives sa potential solutions and synergies sa petroleum industry.
Ang pagtalakay ay mahalagang hakbang patungo sa pagpapaigting ng kahusayan para mapanatili ang sapat na petroleum products supply sa nasabing port.
Kaugnay nito, ang dalawang panig ay nagpahayag ng kanilang pangako sa patuloy na dayalogo at kooperasyon upang tugunan ang mga pagsubok sa industriya at lalo pang matiyak ang safety, security, and sustainability ng petroleum products importations and storage.
(BOY ANACTA)
270