PINANGUNAHAN ni Bureau of Customs – Port of Clark District Collector Atty. Ricardo Uy Morales II, CESE, ang site visit sa dalawang PEZA locators sa Luisita Industrial Park, Special Export Economic Zone, Tarlac City noong Agosto 9, 2023.
Ito ang kanyang huling scheduled site visit sa PEZA Zones bilang District Collector ng Port of Clark bago siya manungkulan sa bago niyang pwesto bilang District Collector ng Port of Cebu.
Si Atty. Morales ay nagsilbi bilang District Collector ng Port of Clark mula Hunyo 20, 2023 hanggang Agosto 8, 2023.
Sa ilalim ng kanyang pamumuno, ang nasabing port ay nakapagtala ng makabuluhang pagbabago sa revenue collection, border protection, at trade facilitation.
Si District Collector Morales, kasama sina Chief-of-Staff at Deputy Collector for Passenger Service Atty. Danilo G. Ballena Jr., Collector Atty. Noe L. Espenilla Jr., at Account Officer Mary Joy
Cababasada, ay bumisita sa SDE Philippines Corp. (SDE-PH) and International Wiring Systems Phils. Corp. (IWSP).
Ang SDE-PH at IWSP ay sister companies sa ilalim ng Sumitomo Wiring Systems.
Ang SDE-PH ay isang kumpanya na nagsasagawa ng manufacturing, sales, and maintenance service of assembly boards, jigs, and machine parts, habang ang IWSP ay ginagawa ang manufacturing, processing, at sales of wiring harnesses para sa mga sasakyan na tulad ng Camry, Tundra, at Highlander.
Ang mga nabanggit na Customs personnel ay winelcome naman ng PEZA Zone Manager ng Luisita Industrial Park na si Atty. Rene Baysa at inikot sila sa lahat ng pasilidad at production process ng dalawang kumpanya ng finished products for export.
Ang site visit ay nakalinya sa mga inisyatiba ng Port of Clark sa pagtulong sa stakeholders sa pag-promote ng export enterprises sa economic zones at para i-monitor at tiyakin ang pagsunod sa customs rules and regulations ng PEZA locators.
“We recently conducted site visits in other PEZA locators such as in Superl located in Bacolor and Badan Building Materials in Porac as part of our measures to ensure compliance to customs laws and regulations of enterprises in economic zones. This is also our way of reaching out to stakeholders to address their concerns regarding customs matters,” ani District Collector Morales, sa brief meeting kasama ng locators sa Luisita.
Kaugnay nito, ang Port of Clark ay patuloy sa pagpapalakas ng kanilang partnership at koordinasyon sa PEZA at iba pang mga ahensiya na nakalinya sa five-point priority program ng Bureau of Customs sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio.
257