PILIPINAS, PINUNO NG ‘ASEAN DGs OF CUSTOMS’ NGAYONG 2021

0

Ni BOY ANACTA

PANALO ang Bureau of Customs (BOC) sa pamumuno ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa uupong pinuno ang Pilipinas sa “ASEAN Directors – General (DGs) of Customs for 2021 – 2022”.

Dahil magsisilbing tserman ng pulong ng mga hepe ng Customs agencies sa ASEAN, ang BOC ang siyang magho-host sa tatlong araw na pulong sa isasagawang 30th Virtual ASEAN Directors-General Meeting.

Gaganapin ito mula Hun­yo 8 hanggang 10 ng taong kasalukuyan.

Si Guerrero ang magiging tserman ng mga ahensiya ng Customs sa ASEAN Region ngayong 2021 hanggang sa susunod na taon.

Papalitan ni Guerrero si outgoing chairman Kyaw Htin, Director-General ng Myanmar Customs Department.

Iba’t ibang delegado at kinatawan mula sa ASEAN Member States (AMS) ang inaasahang dadalo sa nabanggit na pulong.

Ayon sa BOC, ang sentro ng pulong ay ang paglilipat ng chairmanship ng ASEAN Director-General of Customs mula Myanmar patungo sa Pilipinas.

Kaakibat na tatalakayang paksa ay ang progreso ng iba’t ibang “Strategic Plans of Customs Development (SPCDs)” kung saan ang pangunahing adyenda ay ang Customs integration sa ASEAN Region.

Ito ay tungkol sa iniulat ng ibat-ibang technical wor­king groups (TWGs) at sub-committees (SCs) ng ASEAN Customs na katuwang ng ASEAN Secretariat.

Tatalakayin din ang mga isyu sa rehiyon at internasyonal at ibang mahahalagang paksa sa World Customs Organization (WCO) at ASEAN Dialogue Partners sa Australia, China, Japan at Korea.

Inaasahan ding lalahok ang pribadong sektor, sa pamamagitan ng ASEAN Joint Business Councils (ASEAN – JBC), EU – ASEAN Business Council (EU – ABC) at US – ASEAN Business Council (US – ABC) upang mapagkaisahan ang patuloy na pagpapalakas at maayos na pakikipagtulungan ng Customs agencies sa ASEAN.

Taunan ang pagsasagawa ng ASEAN Meeting ng Customs Directors-General na ang layunin ay mapalakas ang kooperasyon ng ASEAN Customs’ administrations na nakikipaglaban sa iligal na kalakalan.

Isinusulong din nito ang “trade facilitation by streamlining and simplifying border procedures, reinforcing collaboration in the areas of customs valuation and classification” at iba sa pagsusulong ng partnership sa pagitan ng Customs at mga negosyante tungo sa makabuluhang Customs modernization.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment