PORT OF DAVAO HATAW SA KITA

MULING nagpamalas ng sigasig ang pamunuan at mga kawani ng Bureau of Customs – Port of Davao (BOC-POD) makaraang maka­pagtala ng higit pa sa inaasahang koleksyon para sa buwan ng Nobyembre.

Sa datos na inilabas ng Department of Finance (DOF), higit pa sa target nitong P3.08 bilyon ang pumasok na kita ng Port of Davao na nakakuha ng kabuuang koleksyong P3.184 bilyon – o labis na P100.777 milyong kinakatawan ng 3.27% na pasobrang ganansya.

Gayunpaman, hindi naging kasing husay ng ng Port of Davao ang mga karatig tanggapan ng Port of Cagayan de Oro at Port of Surigao na kapwa kinapos sa kanilang takdang target.

Sa isang pahayag, lubos naman ang kagalakan at pasasalamat ni Port of Davao District Collector Atty. Erastus Sandino Austria sa mga kawani ng naturang pasilidad. Aniya, hindi magiging posible na abutin – lalo na’t higitan ang target collection kung hindi rin lang sa sigasig at katapatan ng mga empleyado.

Gayundin ang pagkilala ng opisyal sa iba pang stakeholders na aniya’y nakipagtulungan sa kanilang tanggapan.

Pagtitiyak ni Austria, mas pahuhusayin pa nila ang pagtupad sa nakaatang na tungkulin bilang tugon sa hamon ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero kaugnay ng kampanyang magbubura sa imahe ng kawanihang dati lang sikat sa katiwalian.

2

Related posts

Leave a Comment