PRIBILEHIYO NG OFWs, ‘WAG ABUSUHIN – BOC

MATAPOS sumingaw ang alingasngas kaugnay ng pag­hahatid ng mahigit 7,805 balikbayan boxes sa mga kaanak ng mga Pilipinong manggagawa sa ibayong dagat, agad na ipinag-utos ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz na tapusin ang free delivery bago pa man sumapit ang mismong araw ng Pasko.

“What our commissioner did was come up with a system to ensure the balikbayan boxes will reach the OFWs’ intended beneficiaries. Before they were just abandoned and subjected to auction, but now, the commissioner has given the assu­rance that they will be delivered free of charge to the families of the OFWs,” sambit ni Bureau of Customs (BOC) spokesperson Arnold Dela Torre sa lingguhang Kapihan sa Manila Bay sa Maynila.

Ipinaabot din ni Dela Torre ang pakiusap ni Ruiz sa mga Overseas Filipino Worker – huwag abusuhin ang aniya’y pribilehiyong iginawad ng pamahalaan sa sektor na tinaguriang bagong bayani.
Pag-amin pa ng tagapagsalita ng ahensya, may mga pagkakataon aniyang higit pa sa limitasyon ang pinapadala ng ilang OFWs sa kanilang kaanak sa Pilipinas. Partikular niyang tinukoy ang mga tinawag niyang “regulated goods.”

Paalala ni Dela Torre sa mga OFW, “household” (tulad ng damit, pabango, cosmetic products, electronic gadgets, iba pang consumables) at “personal effects” furniture, gamit sa kusina, tela, libro) lang ang nakasaad sa reglamento sa pagpapadala ng “tax-free” balikbayan boxes sa bansa.

Dagdag pa niya, pinahihintulutan ng pamahalaan ang mga OFW na magpadala sa kanilang mga kaanak ng mga balikbayan box, tatlong beses isang taon. Hindi rin aniya dapat lumagpas sa P150,000 ang kabuuang halaga ng kanilang mga padala.

23

Related posts

Leave a Comment