‘RANDOM ASSIGNMENT’ SA PAGSUSURI NG MGA BARKO SA KARAGATAN

SA hangaring tiyaking walang ano mang “milagro” sa mga isinasagawang inspeksyon ng mga barkong naglululan ng mga pumapasok at lumalabas na kargamento, inilunsad ang isang “random selection system” gamit ang makabagong teknolohiya sa pagtatalaga ng mga kawaning papalaot para sa “boarding formalities.”

Sa kalatas ng Bureau of Customs – Port of Cebu (BOC-Cebu), ganap nang umarangkada ang “Automated Boarding Assignment Management System” (ABAMS) sa hanay ng mga kawaning bahagi ng Piers and Inspection Division.

Sa ilalim ng naturang sistema, hindi opisyal o kawani ng BOC-Cebu ang magpapasya kung sino ang sa mga barko bago pa man dumaong sa kanilang pantalan – kundi isang web-based system na wari’y isang palabunutan.

Para kay BOC-Cebu District Collector Charlito Martin Mendoza, malaking bentahe sa kanilang isinusulong na kampanya kontra katiwalian ang ABAMS na gumagamit ng isang web-based app na roleta.

Maliban pa sa nasabing tampok, may kakayahan rin aniya ang naturang teknolohiyang malaman ang kinaroroonan (mula sa point of origin hanggang sa destinasyon) ng mga barkong may karga ng mga nakatalang kalakal na paparating sa bansa sa mga panahong naglalayag sa karagatan.

Dagdag pa ni Mendoza, malaki rin umano ang ambag ng ABAMS sa kanilang buwanang paghagip ng nakatakdang monthly collection target.

 

 

8

Related posts

Leave a Comment