REGULASYON SA ‘THIRD PARTY ACCREDITATION’ HINIGPITAN NG BOC

BOC

(Ni Boy Anacta)

Bilang bahagi pa rin ng  inisyatibo para ma­sugpo ang korapsyon at smuggling sa Bureau of Customs (BOC), hinigpitan na ang pagbabantay laban sa mga hindi awtori­sadong transaksyon sa Aduana.

Kaalinsunod na rin ito sa  inilabas na Customs Administrative Order (CAO) No. 06-2019 na naglalayong bantayan  at higpitan pa ang mga transaksyon ng  ahensya.

Partikular na hinigpitan  ay ang  ipinatupad nitong regulasyon kaugnay sa  accreditation ng  ‘third parties’  na awtorisadong  makipagtransaksyon sa ahensya.

Ayon sa BOC, magtatakda ng karagdagang requirements ang ahensya para sa  ‘third parties’ na siyang  awtorisadong maki­pagtransaksyon sa  ahensya para sa  katauhan ng  isang indibidwal  o entity.

Sa ilalim ng CAO, sinabi ng  BOC  na ang  ‘third parties’ ay kailangang la­ging  may  maipiprisinta at ipakikitang records of transaction  na ginawa sa katauhan o bilang kinatawan ng importer, consignee, o exporter.

“Third parties who may be authorized to transact with the Bureau on behalf of another person or entity in compliance with the CMTA shall be treated equally as legitimate importers or consignees,” ayon sa  BOC.

Ang mga interesado ay kailangang  mag-apply for registration sa Account Management Office (AMO), na kung saan kanilang ipiprisinta ang ilang mga dokumento for accreditation.

Kabilang sa  mga requirements ay ang Proof of Membership in Good Standing, Bureau of Internal Revenue (BIR) Certificate of Registration, at Mayor’s Permit.

Kailangan din nilang magbayad ng P1,000 annual registration fee, at iba pang  requirements na  espesipikong itatakda sa  ilalabas na Customs Memorandum Order (CMO).

“Once application is approved, a Certificate of Registration will be issued by the Bureau which will be valid for one year from date of approval,” dagdag ng  BOC.

161

Related posts

Leave a Comment