RICE SMUGGLING BULILYASO

0

HINDI na nagawang maka­daong pa ng isang barkong may lulang 20,000 sako ng bigas na plano sanang dalhin sa Zamboanga, kamakailan.

Sa pinagsanib na operas­yon ng Bureau of Customs- Port of Zamboanga (BOC-POZ) at Philippine Coast Guard (PCG), nasabat sa karagatang sakop ng Tawi-Tawi ang isang sasak­yang dagat na una nang itinimbreng may lulang libo-libong sako ng bigas na tinatayang nagkakahalaga ng  P15 milyon.

Ayon pa sa BOC, Setyembre 12 pa nang makatanggap ang kanilang tanggapan ng  impormasyon hinggil sa paparating na kargamentong ipupuslit sa bansa sa hanga­ring maka­iwas sa mga bayaring itinakda para sa mga produktong ina­angkat mula sa ibang bansa.

Bukod sa 20,000 sako ng bigas mula sa Sandakan, Malaysia, kumpiskado rin ang MV Eshan Khan kung saan isinakay ang mga nasabing kargamento. Maging ang 14 na tripulante ng barko, arestado ayon sa kawanihan.

Ayon kay District Collector Segundo Sigmundfreud Barte Jr., hindi magiging tagumpay ang nasabing operasyon laban sa mga smugglers kung wala ang matibay na ugnayan ng iba’t ibang ahensyang magkakatuwang na nagba­bantay sa karagatan sa timog ng bansa.

Nasa kustodiya na ng Sub-Port of Bongao ang nakumpiskang barko para sa imbentaryo, habang inihahanda naman ang kaukulang asuntong isasampa sa husgado.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment