Sa bisa ng BOC Modernization MALUSOG NA KALAKALAN, ITUTULAK NG PINAS AT US

ASAHAN ang mas malusog, higit na mabilis at sistematikong proseso ng kalakalan sa sandaling matapos ang isinusulong na mo­dernisasyon sa Bureau of Customs.

Partikular na tinukoy ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio ang kalakalan sa pagitan ng mga bansang Pilipinas at Estados Unidos sa mga inaasahang lalago. Katunayan aniya, hindi pa man ganap na nakakamit ng siento-por-sientong antas ng modernisasyon, malaki na ang pinagbago at ibinilis ng proseso ng kalakalan sa 17 distrito ng kawanihan.

Sa isang pulong ka­makailan sa pagitan ng BOC at American Chamber of Commerce (ACC) na nakabase sa Pilipinas, tinalakay nina ACC-PH Executive Director Ebb Hinchliffe sa BOC chief ang iba’t ibang isyu kabilang ang umiiral na panuntunan at patakaran sa kalakalan at ang epekto ng mahigpit na implementasyon ng border control sa kalakalan ng dalawang bansa.

“The discussion aimed to address concerns and ensure that goods entering and exiting the country are compliant and secure,” saad sa paha­yag ng BOC.

Batay sa pinakahuling datos ng Department of Finance (DOF), ‘automated’ na ang nasa 96.39% na ng mga proseso sa BOC.

“This has expedited the processing of shipments while simplifying and securing the facilitation of trade,” ayon pa sa kawanihan. (JO CALIM)

26

Related posts

Leave a Comment