Sa mapanlinlang na emails BOC-POD NAGLABAS NG SCAM ALERT

NAGPALABAS ng scam alert ang Bureau of Customs Port of Davao (BOC-POD) matapos makatanggap ng mga ulat na ilan sa mga kliyente ang nakatanggap ng mga email na nagdadala ng kanilang email address subalit hindi mula sa kanilang opisina.

Base sa isinagawang inisyal na imbestigasyon, mga malisyosong tao ang nagpapadala ng gawa-gawang emails.

Ang pagpapadala ng mga gawa-gawang email ay isang mapanlinlang na pamamaraan na ang sender’s email address ay palsipikado upang lumitaw na ito ay nagmula sa pinagkakatiwalaang source, madalas na ginagamit ito ng malisyosong nilalang upang linlangin ang mga tatanggap sa pagbubukas ng email at paggawa ng nakapipinsalang mga aksyon.

Ang nasabing mga email na ipinadadala ng mga malisyosong tao ay sinusubukang makapanlinlang at ikompromiso ang seguridad ng pinadalhan nito.

Ang mapanlinlang na emails ay naglalaman ng mga kalakip na link na maaaring may potensyal na magdala ng malware, key loggers o iba pang mapa­minsalang nilalaman.

Kung makatanggap ng email na kahina-hinala o hindi karaniwan ay mahigpit na ipinapayo ng BOC-POD na umiwas mula sa pagbukas ng anomang attachments at huwag i-click ang anomang links na nakapaloob sa email.

Sa halip ay tumawag sa Customer Care Center (CCC) ng BOC-POD nang direkta gamit ang official contact information na makikita sa kanilang Facebook, Instagram, at Twitter accounts (@bocdavao) at official website (https://www.customs.gov.ph/).

Maaari ring tumawag sa kanilang numero upang maberipika ang authenti­city ng anomang emails na naglalaman ng kanilang official email address: (082) 224-9621; (082) 233-1258; 0929 744 3588 (Smart); 0948 677 3176 (Smart); 0967 356 1740 (Globe)

Para mabatid kung spoofed email ang natanggap, narito ang sumusunod na dapat gawin:

Check the Sender’s Email Address: Always double-check the sender’s email address for any discrepancies or misspellings. Cybercriminals often use email addresses that closely resemble legitimate ones but contain small differences.

Verify Requests for Personal Information: If an email requests personal or financial information, verify the request through a separate communication channel before sharing any sensitive data.

Exercise Caution with Attachment: Be wary of opening attachments. If an attachment looks suspicious (like when you are expecting a PDF but have received a ZIP or RAR file), verify its authenticity with the sender through an alternative communication method before opening it.

Beware of Urgent or Threatening Language: Cybercriminals often use urgent or threatening language to create a sense of panic. Be cautious of emails that demand immediate action or threaten negative consequences if you don’t comply.

Keep Your Software Updated: Ensure that your operating system, antivirus software, and email client are up to date with the la­test security patches and updates.

Hover Over Links: Before clicking on any links within an email, hover your cursor over them to see the actual URL. If the URL seems suspicious or different from what you were expecting, do not click on it.

Use Strong Passwords: Use unique and strong passwords for your email accounts and other online services. Consider enabling two-factor authentication whenever possible.

(JOEL O. AMONGO)

94

Related posts

Leave a Comment