SCAM ALERT, HIRIT NG BOC

MULING naglabas ng isang scam alert ang Bureau of Customs (BOC) bunsod ng kabi-kabilang sumbong hinggil sa mga indibidwal na umano’y nagpapanggap na kawani o “malakas” sa ahensya, kasabay ng panga­kong milyong kita sa paglabas ng mga naipit na kargamento.

Sa kalatas ng BOC, partikular na tinukoy ng ahensya ang mga negosyante bilang target ng umano’y mga notoryus na grupong nag-ooperate gamit ang social media.

Paglilinaw ng kawanihan, walang sinumang itinalaga para makipagtransaksyon ga­mit ang BOC, kasabay ng giit na 82% ng kanilang operasyon ay automated transactions at ‘di kailangan ng tinatawag na “human intervention.”

Karaniwan umanong modus ng sindikato ang maki­pagkaibigan sa social media at kalaunan ay alukin ng malaking kita kung mag-a­ambag sa kinakailangang pondo para mailabas ang naipit na kargamento. Payo ng BOC, maging mapanuri kasabay ng pana­wagang agad na dumulog sa kanilang ahensya, o sa Philippine National Police (PNP) cybercrime division para sa agarang aksyon.

187

Related posts

Leave a Comment